Corteza kampeon sa San Miguel Asian 9-Ball
May 31, 2004 | 12:00am
Mahusay at masuwerte si Lee Van Corteza nang gulantangin niya si world No. 1 Francisco Django Bustamante, 13-11 sa pinalawig na all-Pinoy Finals ng San Miguel Beer Asian 9-Ball Tour sa Octagon Hall ng Robinsons Galleria.
Naglaro nang walang dapat ipangamba, pinahirapan ni Corteza si Bustamante mula sa simula ng laro bago nagpamalas ng tibay upang maibulsa ang $10,000 premyo at ibigay ang buong kumpiyansa sa kanyang paglahok sa World Pool Championship sa Taipei sa July.
"Pure luck. Once again, I won a lost match," masayang wika ni Corteza.
Nakuntento naman si Bustamante sa $5,000 at tinanggap ang kabiguan na buong akala niya ay kanya na ang panalo makaraang umabante ito sa 10-6. "Siya ang suwerte, ako ang malas." ani Bustamante.
Napagwagian ni Corteza ang unang tatlong racks ngunit nabigong mapanatili ang 4-0 bentahe nang magmintis ito sa magaan na cut sa orange 5 na nagbigay daan kay Bustamante para makatabla sa 5-all at makuha ang 10-6 bentahe.
Ngunit hindi pa rin bumitiw si Corteza at nagbadya ng pagbangon at unti-unting kanain ang bentahe ni Bustamante hanggang sa maitabla ang iskor sa makapigil-hiningang 10-all na nag-bigay daan para palawigin ang kanilang la-ban.
Matapos maiwan sa 10-11, nakuha nito ang dalawang sunod na racks para iselyo ang tagumpay.
Bukod kina Bustamante, Corteza at Efren Reyes lima pang Pinoy ang makakasama nila sa World Pool Champion-ships sa July 10-18 sa Taipei. Ito ay sina Antonio Lining, Rodolfo Luat, Dodong Andam, Warren Kiamco at Ramil Gallego. ang iba pang kasama sa top 10 ng 5-leg tour na ito ay makakasama din sa Taipei.
Nakarating sa finals si Corteza, matapos ang 11-5 come-from-behind panalo kay Korean Jeong Young Hwa na sinundan naman ni Bustamante ng magkatulad na 11-5 panalo sa batang Taiwanese na si Wu Chia Ching.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended