^

PSN Palaro

Hatfield, Morano At Abarrientos

FREE THROWS - AC Zaldivar -
MARAMI ang natuwa at nakabalik na rin sa active duty sa panig ng Coca-cola si Rudy Hatfield. Aba’y malalaking numero din ang nami-miss ng Tigers sa kanya. Hindi nga ba’t siya ang naging pinakamahigpit na karibal ni Paul Asi Taulava para sa Most Valuable Player award noong nagdaang taon?

Si Hatfield ay nagkaroon ng injury sa paa sa unang laro ng Coca-cola sa kasalukuyang Gran Matador-PBA Fiesta Conference. Natalo ang Tigers sa Purefoods sa larong iyon.

Matapos na ma-miss ang sumunod na 15 laro ng Tigers ay nagbalik si Hatfield kontra Talk N Text noong Miyerkules. Pero kitang-kita na nangangapa pa siya. Kumbaga’y tinatantiya pa niya ang kanyang kilos at natural na kailangang magpalakas pa siya.

Para kay coach Vincent "Chot" Reyes, tamang-tama lang ang pagbabalik ni Hatfield. Makapaglalaro siya ng dalawang games sa elimination round at makakatulong siya sa susunod na yugto ng torneo.

Upang maipasok si Hatfield sa active list, kinailangang maglaglag ng isang manlalaro ang Coca-cola. Aba’y marami ang nagulat nang si Renato Morano ang siyang inilaglag ng Tigers. Hindi natin alam kung may injury o wala si Morano. Kung wala siyang injury ay magiging unrestricted free agent siya at puwede siyang kunin ng ibang teams.

Pero siyempre, si Morano ang magdedesisyon kung gusto niyang lumipat. Paano kung kulelat na team ang kumuha sa kanya? E, di mawawala sa kanya ang mga bonuses na makukuha niya sa Coca-cola kung uusad ang Tigers? Maselan ang sitwasyong ito.

Ang mas maselan ay ang naging desisyon ng Coca-cola.

Kasi nga, si Morano ang siyang chief reliever ng lead point guard na si Johnny Abarrientos. Hindi nga ba’t may pagkakataong mas maha-ba pa nga ang naging playing time ni Morano dahil sa may injury si Abarrientos.

Ngayong wala si Morano, si Leonides Avenido ang siyang chief reliever ni Abarrientos. Sa tutoo lang, hindi naman natural point guard si Avenido kaya’t hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ito sa kanyang posisyon. Pero hindi natin sinasabing hindi kinakaya ni Avenido ang trabaho n’ya. Nagsisikap siya.

Ang problema nga lang ay kung hindi niya magawa nang maayos ito. Mapupunta kay Abarrientos ang bigat ng responsibilidad sa backcourt.

Sa ngayon ay nakakabilib si Abarrientos. Aba’y noong laro laban sa Talk N Text ay nakagawa ito ng 15 assists pero natalo nga sila, 116-110. Pero 15 assists sa isang laro. Labing-limang assists sa isang manlalarong may edad na rin naman? Ibang klase pa rin ang Flying A.

Kung titingnan nga ang stats ni Abarrientos, aba’y mas marami pa ang assists niya kaysa sa puntos. Bale may average siyang 6.71 assists at 6.59 puntos sa unang 17 games ng Tigers. Kaya naman namamayagpag pa rin sila.

So para makabalik si Hatfield, kailangang isakripisyo si Morano at mas magtrabaho si Abarrientos. Yun ang bottomline sa Coca-cola. Tingnan natin kung maganda ang kalalabasan nito.
* * *
Isinasama namin sa panalangin ang ating kaibigang sportswriter/columnist na si Lito Cinco na sasailalim sa isang lung operation. Isinugod siya sa Asian Hospital noong Linggo matapos na manikip ang dibdib at na-diagnose na may tubig sa baga. Bukod dito ay may "suspicious mass" din na nakita at eeksaminin ito kung cancerous." Nawa’y gumaling ka.

ABARRIENTOS

ASIAN HOSPITAL

AVENIDO

HATFIELD

KUNG

MORANO

PERO

SIYA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with