San Miguel Asian 9-Ball sasargo ngayon
May 29, 2004 | 12:00am
Tampok ang kasalukuyang world No. 1 na si Francisco Django Bustamante at Efren Bata Reyes kasama pa si Chao Fong Pang mula sa Chinese-Taipei na pawang mga dating World Pool champions, nagbalik na sa Manila ang San Miguel Asian 9-Ball Tour.
Ang Manila leg ang huling pagkakataon para sa 32 partisipante para makakuha ng qualifying points patungo sa World Pool Championships na gaganapin sa July. Pagkatapos ng Manila leg, ang top 10 sa Tour Order of Merit ay direktang kuwalipikado sa World Pool Championships. Ang Tour ang tanging ranking tour sa Asya para sa mga manlalarong uusad sa Championships.
Dagdag pa dito ang kabuuang premyo na US$250,000 na nakataya sa regional tour na nagsimula sa Singapore (Feb. 28-29) at tinampu-kan din ng laro sa Ho Chi Minh City (March 13-14) Hong Kong (April 17-18) Taipei (May 7-9) at Manila (May 28-30). Ang main draw ay kinabibilangan ng 32 top Asian players mula sa 12 bansa.
Hawak din ni Reyes ang pangunahing ranking sa Tour, kasunod ni two-time world champion Chao Fong Pang ng Chinese Taipei. Si Warren Kiamco ay pangatlo sa ranggo at ang Hong Kong leg champion na si Yang Ching Shun ang nasa ikaapat.
Ang Manila leg ay ang huling pagkakataon para kay Bustamante na makalusot sa qualifying berth sa World Pool Championships kung saan hawak niya ang ika-11th place. Dalawa pang Pinoy--sina Antonio Gabica at Lee Van Corteza ang nahaharap din sa ganitong sitwasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest