Ayon sa Philippine Amateur Swimming Association (PASA), eksperto sa breaststroke ang 16-anyos na si Jacky Pangilinan kumpara sa pagiging backstroke artist ni Thomson, isang retiradong atleta.
"Talagang panlaban ang hitsura at porma niya," patungkol ni Anthony Lozada, tumatayong head coach ng national team, sa matangkad na si Pangilinan na lumaban na sa idinaos na ASEAN age-group swimming championship sa Sta. Cruz, Laguna.
Si Pangilinan ang sinasabi ng PASA na maaaring makakuha ng Olympic qualifying time sa kanyang lalanguyang breaststroke event para sa 2004 Athens Games sa Greece sa Agosto, 13-29.
"Ang hinihintay na lang namin is yung kanyang OVC ot Overseas Verification Card na na-register nga talaga niya yung sinasabi niyang time sa breaststroke at kung saang competition na dapat recognized ng FINA na Olympic qualifying event," ani pa ni Lozada sa pagkakaroon ni Pangilinan ng best time sa kanyang event.
Sakaling nakuha ni Pangilinan ang Olympic qualifying time, isusumite ito ng PASA sa FINA, ang world governing body ng swimming at sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa kumpirmasyon.
"Thats the only time that we will know kung talagang puwede siyang lumangoy sa Athens Olympics," wika pa ni Lozada.