San Miguel Asian 9-Ball Manila Leg ipapalabas sa Star Sports
May 28, 2004 | 12:00am
Isasa-ere ng live sa Star Sports ang San Miguel Asian 9-Ball Tour Manila leg na magsisimula bukas kung saan ang walo sa pangunahing 50 cue masters sa daigdig ay maghahabulan para sa pangunahing karangalan sa ikalima at final leg ng $250,000 circuit sa Octagon Hall ng Robinsons Galleria.
Ang pagpapalabas ay magsisimula sa alas-2 ng hapon bukas sa quarterfinal round kung saan ang susunod na mga laban ay sa ganap na alas-3:30 ng hapon, alas-5:00 ng hapon at may replays sa May 30, June 1, 2, at 3, ayon sa pagkakasunod simula sa alas- 9:30 ng gabi.
Ang unang semifinal game ay ipapalabas sa Linggo simula alas-2 ng hapon na may replay sa June 4 sa alas-9:30 ng gabi. At ang iba pang laban sa semis ay isasa-ere sa alas-3:30 ng hapon at may replay sa June 5 sa alas-12:30 ng gabi.
Pamumunuan ng pangunahing Pinoy cue masters na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante at Taiwanese aces Chao Fong Pang, Yang Ching Shun at Hsia Hui Kai ang elite cast sa $50,000 tournament na itinataguyod ng San Miguel Beer na nagsisilbing Asian qualifier ng World Pool Championships.
Ang top 10 players matapos ang limang yugto ang makakasama sa world title na nakatakdang ganapin sa July 10-18 sa World Trade Center sa Taiwan.
Gaganapin ngayong araw na ito ang draw kung saan inaasahang pamu-munuan nina Bustamante at Reyes ang upper at lower bracket, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended