^

PSN Palaro

Toyota Otis pinaliguan ng Viva Mineral Water

-
Muling ipinamalas ni Arwind Santos ang larong naglagay sa kanya bilang pangunahing kandidato sa Most Valuable Player award at ipinamalas din ng Viva Mineral Water-FEU ang larong naglagay sa kanila bilang paboritong magkampeon sa PBL Unity Cup.

Tumikada si Santos ng game-high na 18 pun-tos, 17 rebounds at 3 steals at bumangon ang Water Force mula sa masamang pasimula upang iposte ang 84-69 demolisyon kontra sa Toyota Otis-Letran kahapon sa pagbubukas ng semifinal sa Pasig Sports Center.

Ang panalo ay ang ika-8 sunod at ika-10 sa 11 asignatura ng Viva, na ngayon ay nangangailangan na lamang na ipanalo ang isa sa susunod nilang 5 laro upang makapasok sa kampeonato.

Bunga marahil ng mahigit isang linggong pahinga, ang Water Force ay tila puno ng kalawang sa unang 10 minuto ng laban kung saan iniwanan sila ng Knights, 21-14.

Subalit sa pamumuno ni Denok Miranda, in-outscore ng Viva ang Toyota sa second period upang agawin ang trangko na hindi na nila binitiwan hanggang huli.

Si Santos ay partikular na nag-init sa ikatlong yugto kung saan pumukol siya ng 9 na puntos, na siyang naging sandigan ng kanyang koponan para palobohin ang kalamangan ng hanggang 17 puntos.

Umiskor din si Mark Isip ng 15 puntos habang si Miranda ay tumapos na may 11 puntos para sa Viva na naging runner-up sa 2003 Unity Cup.

Sa ikalawang laro, pinutol ng Welcoat Paints ang kanilang 3-game losing streak sa pamamagitan ng 70-50 paglampaso sa defending champion Hapee Tooth-paste. (Ulat ni Ian Brion)

ARWIND SANTOS

DENOK MIRANDA

HAPEE TOOTH

IAN BRION

MARK ISIP

MOST VALUABLE PLAYER

PASIG SPORTS CENTER

SI SANTOS

UNITY CUP

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with