CANAMA archers kampeon
May 25, 2004 | 12:00am
Sumandig ang CANAMA kina Asian Games at Southeast Asian Games veterans Marvin Cordero at Christian Cubilla upang igupo ang Lord at Maiden archery squad para sa mens team title sa national archery target championships noong Linggo sa UP-PSC range sa Diliman Quezon City.
Nagtulungan sina Cordero, Cubilla at Zander Lee sa itinalang 229 puntos upang talunin sina Florante Matan, Aaron Nikon dela Cruz at Syd Nerickzon Fraginal na nagtala ng 205 sa Olympic Round finals.
Dinomina ng Cagayan de Oro ang Siliman University Dumaguete Archery Club, 223-195 upang tumapos ng ikatlo. Ang CDO ay binubuo nina Fermin Barnachea, Mitchelle Panilag at Karl Achacoso habang ang SUDAC ay binanderahan nina Mark Javier, Niel Divinagracia at Crisaldo Merto.
Walang isinalang na lahok sa womens adult recurve at compound divisions, ngunit pinagwagian ng University of Santa Isabel-HEDs Mariejo Martinez, Ivy Alarcon, Cynthia Ortinero at Erin Bonaga ang standard round team event para sa college at high school students.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended