^

PSN Palaro

PBL Unity Cup 2004: Do-or-die ng Montana at Toyota Otis-Letran

-
Ang madugtungan pa ang kanilang kampanya at makaiwas sa pagtalsik sa kontensyon ang kapwa asam ng Montana Pawnshop at Toyota Otis-Letran sa kanilang muling pagku-krus ng landas ngayon sa ‘win or go home’ quarterfinal match ng PBL 2004 Unity Cup sa pagbabalik nito sa Pasig Sports Center.

Ang laban ay itinakda sa ganap na alas- 3:30 ng hapon, kung saan ang magtatagumpay ay ookupa sa huling semifinals slot habang ang hindi papalarin ay magtutungo na sa maagang bakasyon.

Sa kabila ng pagtapos sa elimination round bilang pinakakulelat na koponan o No.8 seed, ang Jewels ay humatak ng dalawang malaking panalo, na naghatid sa kanila sa posisyong ito.

Sa playoff noong na-karaang Huwebes, ginapi ng Montana ang Sunkist-UST, 86-59, para maangkin ang isa sa huling dalawang quarterfinals berth at makaharap sa yugtong ito ang No.4 seed at may twice-to-beat na bentaheng Toyota, na kanila ring pinabagsak noong Sabado, 71-60, upang maitulak ang kanilang serye sa sukdulan.

Ang panalo ng Jewels o ng Knights ay magsasama sa kanila sa Viva Mineral Water-FEU, Wel-coat Paints, at defending champion Hapee Toothpaste sa Final Four samantalang ang mabibigo ay tuluyan nang mamamaalam sa torneo at makakalahok ng mga eliminado nang Lee Pipes-Ateneo, Sunkist, at Blu Star Advance.(Ulat ni Ian Brion)

BLU STAR ADVANCE

FINAL FOUR

HAPEE TOOTHPASTE

IAN BRION

LEE PIPES-ATENEO

MONTANA PAWNSHOP

PASIG SPORTS CENTER

SUNKIST

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with