National Basketball Training Center bukas pa

Bago magsimula ang school year 2004-05 ay may pagkakataon pa ang mga batang basketball hopefuls na palawigin ang kanilang skills sa pagbubukas ng isa na namang sesyon ng Las Vegas-based National Basketball Training Center ngayon sa Pasig Sports Center.

Ang NBTC na itinatag noong Enero, ay bukas sa mga Asian youths na nais maging accomplished basketball players. Ang mga sessions na ginaganap mula alas-8-12 ng tanghali ay naglalayong ituro ang fundamentals ng sport.

Apatnapung aplikante lang ang tatanggapin sa first come-first served basis upang mas mapagtuunan ng mga coaches ang mga magrerehistro. Ang mga interesado’y maaaring tumawag sa NBTC secretariat sa 628-65-20 o dumeretso sa Pasig Sports Center.

Show comments