Titulo sa archery pinana ni Cordero

Tinalo ni Vietnam SEA Games bronze medalist Marvin Cordero si Christian Cubilla ng may 11 puntos upang makopo ang national men’s archery title sa UP-PSC range.

Si Cordero, ang una at tanging Pinoy na umiskor ng 1,316 sa Busan Asian Games ay nakaipon ng 99 kontra kay Cubilla na may 88 sa Olympic Round finals ng torneong inorganisa ni NAAP head Dr. Leonora Fe S. Brawner at suportado ng Philippine Sports Commission.

Nasungkit naman ni Florante Matan, nagwagi ng dalawang bronze medal sa Vietnam SEAG at may-ari ng SEAG at Philippine records sa 90 meters, ang ikatlong puwesto.

Show comments