^

PSN Palaro

Unang misyon nalusutan ng TnT

-
Naging magaan para sa Talk N Text na isagawa ang una sa kanilang dalawang misyon para sa kanilang kampanya sa natitirang awtomatikong quarterfinal slot ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference.

Sina import Jerald Honeycutt at Wille Miller ang naging susi ng 117-102 panalo kontra sa Ginebra, na apektado ng patuloy na pagkawala ni Romel Adducul na nagpa-pagaling pa ng kanyang injured na kaliwang kamay, sa Araneta Coliseum kagabi.

Ngunit inaasahan na ni coach Joel Banal na magiging mahirap ang kanilang huling asignatura kontra sa Coca-cola, ang koponan na may malaking bentahe para makuha ang No. 2 slot na huling bibigyan ng awtomati-kong quarterfinal slot sa Miyerkules.

Ang 49-47 bentahe ng Phone Pals sa halftime ay naging 85-66 nang humataw si Honeycutt ng 15 sa kanyang tinapos na 32 puntos sa ikatlong quarter na kinumplementuhan naman ni Willie Miller na nag-ambag ng 10 puntos sa kanyang isinumiteng 28 puntos sa kabuuan.

Samantala, inamin ni PBA technical chief Perry Martinez na maraming maling tawag sa nakaraang triple overtime game, na ngayon lamang nangyari makaraan ang mahigit isang dekada, sa pagitan ng Red Bull at Purefoods na napagwagian ng Barakos, 141- 138.

Ngunit sinabi nitong walang pinaboran ang mga referees.

Ito ay makaraang magpahayag ng pagkadismaya si Red Bull coach Yeng Guiao sa naging officiating.

"Thats just absurd. It’s out of this world. It’s crazy. that’s an abeeration. That is something they (PBA) can’t ignore," ani Guiao sa masamang officiating ng mga reperi na sina Ogie Ramos, Renato Fabrez at Joel Nicolas kung saan sa kabuuan ay may 117 fouls na itinawag, 62 sa Red Bull at 55 sa Purefoods.

ARANETA COLISEUM

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

JERALD HONEYCUTT

JOEL BANAL

JOEL NICOLAS

NGUNIT

OGIE RAMOS

PERRY MARTINEZ

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with