Larios gusto kalabanin si Manny Pacquiao
May 21, 2004 | 12:00am
Tinitingnan ng kampo ni Manny Pacquiao ang posibleng pakikipaglaban sa World Boxing Council super bantamweight champion Oscar "Chololo" Larios.
Naiulat na nagpahayag ng interes ang kampo ni Larios na kalabanin ang "Peoples Champion" na si Pacquiao sa September.
Nagkaroon ng interes ang business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario dahil wala pang schedule ang tinaguriang Pacman sa HBO Sports matapos ang kanyang kontrobersiyal na laban kontra kay WBA/IBF champion Juan Manuel Marquez.
Ngunit ang isang malaking problema sa posibleng laban na ito ay kung saan division maghaharap sina Pacquiao at Larios.
Ayon sa business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario, hindi pa handang bumaba sa sa weight category ni Larios na superbantam na may weight limit na 122 pounds.
Dahil umiiwas pa si Marquez sa iginigiit na rematch ni Pacquiao dahil nagrerekober pa sa pagkabugbug nito, sinabi ni Nazario na posible ang Larios-Pacquiao match.
Hindi pa rin puwede ang rematch ni Pacquiao kay Marco Antonio Barrera na dinurog nito sa 11-rounds sa San Antonio, Texas noong November ng nakaraang taon, dahil may nakatakda itong laban kay former world champion Paulie Ayala sa June 19 bago pa nito kalabanin si Pacquiao na planong ganapin sa Manila.
Isa pang puwedeng kalabanin ni Pacquiao ay si WBC featherweight champion Injin Chi, pero nakatakda naman nitong idepensa ang napanalunang titulo noong nakaraang buwan sa isang rematch laban kay Michael Brodie matapos ang controversial draw laban sa Ja-panese contender na si Eiichi Sugama sa Seoul.
Hindi rin interesado si WBC super featherweight champion Erik Morales na kalabanin si Pacquiao dahil may laban ito kay Carlos "Famoso Hernandez sa July 31 habang si WBO champion Scott Harrison ng Britain ay naghahanda na sa kanyang dalawang beses nang napostphone na title defense laban kay William Abelyan. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended