Ito kasing si Tony Lu ay nagkukuha ng pictures ng mga players o iba pang basketball personalities. Kapag nagustuhan ang picture niya, ipapa-frame nila ito kay Tony para maging remembrance.
Marami sa mga PBA players ang umoorder dahil idini-display nila ito sa mga kuwarto o bahay nila at ipinagmamalaki sa mga nagiging bisita nila.
Ilang sikat na players nga ba ang may ganitong mga framed memorabilia na naka-display sa bahay nila?
Sa ngayon, hindi na mabilang ni Tony ang mga players at coaches na hanggang ngayon eh hindi pa rin nagbabayad sa kanya kahit na halos araw-araw eh nagkikita sila sa Araneta o sa ULTRA o kahit sa practices.
May isang PBA team nga raw na ang staff nito ay nag-order ng sangkaterbang framed photos sa kanya.
Dalawang taon na raw yun pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya binabayaran.
"Aba, mahirap ding magpagawa ng ganyang memorabilia. Ipapa-frame ko pa, tapos ang bigat-bigat dadalhin ko sa kanila, cash yun na babayaran ko mula sa gumawa, at pagkahawak na nila yung frame, sasabihin nila, nakalimutan nila yung wallet nila sa kotse at ibat iba pang dahilan para lang wag makapagbayad agad. Sa maniwala kat sa hindi, lagpas na sa P50,000 ang kokolektahin ko sa mga nag-order sa akin ng pictures," hinaing ni Tony Lu.
Sinu-sino ang mga players na yan?
Hayaan nyot sasabihin daw sa amin ni Tony Lu kung sinu-sino ang mga yan.
Congratulations na rin kay Dodot Jaworski na siya namang nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista sa isang distrito sa Pasig.