Aktres di type ni cager
May 19, 2004 | 12:00am
Naloloka na ang photographer na si Tony Lu dahil napakarami raw mga players, coaches, utility at kahit mga ballboys na malaki ang pagkakautang sa kanya.
Ito kasing si Tony Lu ay nagkukuha ng pictures ng mga players o iba pang basketball personalities. Kapag nagustuhan ang picture niya, ipapa-frame nila ito kay Tony para maging remembrance.
Marami sa mga PBA players ang umoorder dahil idini-display nila ito sa mga kuwarto o bahay nila at ipinagmamalaki sa mga nagiging bisita nila.
Ilang sikat na players nga ba ang may ganitong mga framed memorabilia na naka-display sa bahay nila?
Sa ngayon, hindi na mabilang ni Tony ang mga players at coaches na hanggang ngayon eh hindi pa rin nagbabayad sa kanya kahit na halos araw-araw eh nagkikita sila sa Araneta o sa ULTRA o kahit sa practices.
May isang PBA team nga raw na ang staff nito ay nag-order ng sangkaterbang framed photos sa kanya.
Dalawang taon na raw yun pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya binabayaran.
"Aba, mahirap ding magpagawa ng ganyang memorabilia. Ipapa-frame ko pa, tapos ang bigat-bigat dadalhin ko sa kanila, cash yun na babayaran ko mula sa gumawa, at pagkahawak na nila yung frame, sasabihin nila, nakalimutan nila yung wallet nila sa kotse at ibat iba pang dahilan para lang wag makapagbayad agad. Sa maniwala kat sa hindi, lagpas na sa P50,000 ang kokolektahin ko sa mga nag-order sa akin ng pictures," hinaing ni Tony Lu.
Sinu-sino ang mga players na yan?
Hayaan nyot sasabihin daw sa amin ni Tony Lu kung sinu-sino ang mga yan.
Congratulations kay Yeng Guiao na siyang na-proklama nang vice governor ng Pampanga.
Congratulations na rin kay Dodot Jaworski na siya namang nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista sa isang distrito sa Pasig.
Nasa isang mall ang isang guwapo at papasikat na PBA player. May kasama siyang isang magandang babae. Pero hindi ito ang aktres na nali-link sa kanya. Crush na crush kasi siya ng aktres na ito. Pero mukhang tinanggihan siya ni player. Tumigil na raw si aktres sa paghahabol sa kanya dahil di nga siya type ni player.
Ito kasing si Tony Lu ay nagkukuha ng pictures ng mga players o iba pang basketball personalities. Kapag nagustuhan ang picture niya, ipapa-frame nila ito kay Tony para maging remembrance.
Marami sa mga PBA players ang umoorder dahil idini-display nila ito sa mga kuwarto o bahay nila at ipinagmamalaki sa mga nagiging bisita nila.
Ilang sikat na players nga ba ang may ganitong mga framed memorabilia na naka-display sa bahay nila?
Sa ngayon, hindi na mabilang ni Tony ang mga players at coaches na hanggang ngayon eh hindi pa rin nagbabayad sa kanya kahit na halos araw-araw eh nagkikita sila sa Araneta o sa ULTRA o kahit sa practices.
May isang PBA team nga raw na ang staff nito ay nag-order ng sangkaterbang framed photos sa kanya.
Dalawang taon na raw yun pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya binabayaran.
"Aba, mahirap ding magpagawa ng ganyang memorabilia. Ipapa-frame ko pa, tapos ang bigat-bigat dadalhin ko sa kanila, cash yun na babayaran ko mula sa gumawa, at pagkahawak na nila yung frame, sasabihin nila, nakalimutan nila yung wallet nila sa kotse at ibat iba pang dahilan para lang wag makapagbayad agad. Sa maniwala kat sa hindi, lagpas na sa P50,000 ang kokolektahin ko sa mga nag-order sa akin ng pictures," hinaing ni Tony Lu.
Sinu-sino ang mga players na yan?
Hayaan nyot sasabihin daw sa amin ni Tony Lu kung sinu-sino ang mga yan.
Congratulations na rin kay Dodot Jaworski na siya namang nangunguna sa bilangan sa pagka-kongresista sa isang distrito sa Pasig.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am