Tumikada ang Cebuano rookie na si Reed Friar Juntilla ng 15 puntos at 6 rebounds para banderahan ang Hapee, na nagpamalas ng matatag na paglalaro sa huling 5 minuto upang kumawala sa dikit na laban at maiposte ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay at mapalawig ang rekord sa 5-5 panalo-talo.
Ang panalo ay naggawad sa Teeth Sparklers ng No.3 seed sa likod ng outright semifinalist na Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints.
Ang karta ng Tigers ay nahulog naman sa 4-6, na naglagay sa kanila sa 5-way tie para sa ika-4 hanggang ika-8 posisyon kasama ang Toyota, Blu Star Advance, Montana Pawnshop at Lee Pipes-Ateneo.
At dahil sa ang Knights ang siyang may pinakamataas na quotient na 1.068, sila ang nakasung-kit ng No. 4 seed habang ang Tigers (1.020) ang naglagay sa No. 5, Detergent King (0.985) sa No.6, Blue Eagles (0.983), sa No.7, at Jewels (0.950) sa No. 8.
Sa playoff para sa dalawang quarterfinals berth, maghaharap ang Sunkist at Montana habang sasagupain ng Blu Star ang Lee Pipes.
Ang Teeth Sparklers at Knights ay may twice-to-beat na bentahe sa kasunod na yugto ng torneo.
Umiskor si Alex Compton ng 12 puntos para pamunuan ang Tigers. (Ulat ni IAN BRION)