9 Pinoy jins puntang Korea
May 18, 2004 | 12:00am
Siyam na miyembro ng 12-man Petron national taekwondo team ang nakatakdang lumipad sa Seoul, Korea ngayon upang sumabak sa 16th Asian championships na nakatakda sa Seongnam City sa Mayo 20-23.
Itoy sina Jose Emmanuel Enriquez, Ernesto Juan Mendoza III, Alexander Briones, Dax Alberto Morfe, Kathleen Eunice Alora, Mary Diorlyn Papelera, Sabriana Jo Simbulan, Ma. Criselda Roxas at Margarita Bonifacio.
Ang tatlong iba pa na miyembro ng koponan na tutungo sa Athens Olympics--sina Donald David Geisler III, Tshomlee Go at Mary An-toniette Rivero ay kasalukuyang nasa Korea kung saan sila ay magti-training ng dalawang linggo simula ngayon.
Pangungunahan ni Philip-pine Taekwondo Association vice president Sung Chon Hong ang delegasyon.
Kumpiyansa naman si PTA president Robert Aventejado na ang Filipinos na ang biyahe ay pinondohan ng Petron at ng Philippine Sports Commission na mapapaangat pa nila ang kanilang ipinakitang performance sa huling Asian Cham-pionships na ginanap dalawang taon na ang nakakaraan sa Amman, Jordan.
Sina Geisler at Bonifacio ay nanalo ng bronze medal sa kani-kanilang division sa Jordan competition.
Ayon naman kay Hong, ang Filipinos ay kabilang sa top contenders sa nasabing event na lalahukan ng mga jins mula sa 35 bansa.
Hindi naman sumama ang back-to-back SEA Games gold medalist na si Veronica Domingo sa biyahe ng koponan nang ma-injured ang kanyang kanang tuhod sa training, isang linggo na ang nakakaraan. Siya ay pinalitan ni Simbulan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended