Ang laban ay itinakda sa alas-dos ng hapon.
Samantala, ang papagtibayin pa ang kanilang kapit sa liderato at padaliin ang pag-usad sa kampeonato ang pakay ng Viva Mineral Water-FEU sa pakikipagtipan nito sa Welcoat Paints sa ika-4 ng hapon.
Kapwa may tangang 4-5 rekord, ang Sunkist at Hapee ay kasalukuyang nakapuwes-to sa ikatlo at ika-4 na puwesto, kalahating laro ang abante sa Toyota Otis-Letran, Blu Star Detergent, Montana Pawnshop at Lee Pipes-Ateneo, na magkakasalo sa ika-5 hang-gang ika-8 posisyon.
Ang magwawagi sa Tigers at Teeth Sparklers ang siyang susungkit sa No.3 seed habang ang mabibigo ay mahuhulog sa 5-way tie kasama ang Knights, Detergent Kings, Jewels at Blue Eagles, na reresolbahin sa pamamagitan ng quotient system, kung saan ang may pinakamataas na quotient ang siyang aangkin sa No.4 seed samantala ang mahuhuling apat ay magdaraan sa knockout playoff match para madetermina ang 2 pang quarterfinalist.
Kahit matalo, ang Hapee ay nakasisiguro na ng twice-to-beat na pribilehiyo sa bisa ng plus-23 quotient nito laban sa Toyota, Montana, Blu Star at Lee Pipes.
Kung ang Sunkist naman ang mabibigo, ang Knights ang siyang aakyat sa No.4 bunga ng plus-18 quotient nito laban sa plus-9 lamang ng Tigers.
Ang Viva at Welcoat, na may kartang 8-1 at 6-3, ayon sa pagkakasunod, ay direkta nang aabante sa semifinals matapos ang labang ito.
Sa kanilang unang pagha-harap sa komperensyang ito noong Abril 6, tinalo ng Welcoat ang Viva-FEU, 89-80. Matapos ito, ang Water Force ay hindi na muling natalo at rumatsada sa 6 na kabit na tagumpay ang Paint Masters ay nabigo sa kalahati ng kasunod nilang 6 na laro. (Ulat ni IAN BRION)