Hindi lamang napapanood ni Austria si Ronald Tubid sa kanyang paglalaro sa University of the East bilang Red Warrior, kundi nahawakan din niya ang Turbo Charger Gameboy sa Philippine Basketball League.
"Alam ko yang batang yan, basta sa laro, parang nagpapakamatay yan," ani Austria.
Si Tubid, ang sweet-shooting guard na may magnetong talento din sa pag-atake sa hoop na buong bangis, ay nakuha ng Shell noong naka-raang taon sa second round bagamat kailangan noon ng malaking tao ni dating Shell coach Perry Ronquillo.
"I personally liked his attitude in games," ani Ronquillo noon.
At hindi siya binigo ni Tubid. Sa katunayan noong nakaraang taon, sa All-Filipino Cup, maganda ang scoring ni Tubid kaysa sa top ten rookies na kasabayan niya, sa average na 15.5 points sa loob ng dalawang unang buwan ng season at laging nakadetermina ang Shell sa kanyang offensive output.
Ngunit sa pagitan ng pagkulapso ng Shell at pagkuha kay John Moran sa kaagahan ng taong kasalukuyan, nawala sa pag-ikot ng Turbo Chargers si Tubid.
Ang mababang puntos ay naging pamilyar sa team, at habang nagra-rally si Tubid at saka naman siya aalisin sa pinaka-krusiyal na sandali ng laro nang matalo sila sa FedEx.
"Kulang lang siguro sa amin yung rotation sa tao," anang dismayadong si Tubid matapos ang kabiguang yun.
At dumating nga si Austria.
Ang pagkuha sa kanya ay ikinasiya ni Tubid.
"Siyempre, kilala ko siya at alam ko yung sistema niya. Kaya kumportable ako na siya yung coach namin," ani Tubid.