^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Lee Pipes lusot sa Montana

-
Nilimitahan ng Lee Pipes-Ateneo ang Montana Pawnshop sa iisang field goal sa huling 8 minuto upang maiposte ang 65-49 demolisyon kahapon sa ikalawa sa huling araw ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup elimination round sa Letran Gym sa Intramuros.

Ang panalo ay ang ikalawang sunod at ika-4 sa nakalipas na 5 pag-salang ng Blue Eagles, na mayroon na ngayong 4-6 karta na nagtabla sa kanilang biktima at nagpa-natili sa kanilang tsansang makapasok sa quarterfinal phase ng torneo.

Pumukol si Larry Fonacier ng 12 puntos-- kabilang ang back-to-back triple sa huling 42 segundo na siyang su-melyo sa tagumpay, ha-bang si Paolo Bugia ay nagdagdag ng 11 para pamunuan ang Lee Pipes na nagsimula sa kompe-rensyang ito sa 0-5.

Matapos makipaggitgitan sa unang bahagi ng laro, ang Blue Eagles ay nagsagawa ng pag-arangkada sa ikatlong yugto upang ganap na makontrol ang laban.

Sa ikalawang laro, sinagasaan ng Toyota Otis-Letran ang Blu Star. (Ulat ni IAN BRION)

BLU STAR

BLUE EAGLES

LARRY FONACIER

LEE PIPES

LEE PIPES-ATENEO

LETRAN GYM

MONTANA PAWNSHOP

PAOLO BUGIA

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

TOYOTA OTIS-LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with