"Harry is a very valuable asset to Philippine sports. He is a con-sistent medal producer for the country as proven by his many victories in the past and we are behind him in his bid to win the elusive Olympic gold in Athens," ani PSC Chairman Eric Buhain.
Ang partisipasyon ng koponan noong May 5-12 tournament sa Karachi ay pinondohan sa pamamagitan ng Go GMA! Project, na itinatag ng PSC para tulungan ang mga atletang naghaha-ngad makakuha ng tiket sa Olympics at para mapalakas din ang prepa-rasyon ng mga atletang kuwalipikado na sa Athens Games.
Si Tanamor, na pinasalamatan ang PSC, ay isinelyo ang puwesto sa Olympics nang mapagwagian nito ang silver medal sa lightflyweight division ng torneo, na tinampukan ng mga pinakamamahusay na amateur boxers sa buong Asya.
"Now were slowly seeing results of the athletes labor. We always believe that given proper support, Filipino athletes have a chance to do really well in international competitions," ani Buhain. "The Go GMA! Project would go a long way in boosting our chances of finally capturing the gold in Athens."
Nakatakdang umalis ang Olympic boxing team patungong Bulgaria para sa 45 days training stint na maglalagay sa kanila sa bilang ng world-ranking tournaments sa buong Europa bago magtungo sa Athens sa Agosto.