^

PSN Palaro

Tanamor kinumplementuhan ang Go GMA

-
Ang boksingerong si Harry Tanamor ang unang atletang Pinoy na nagkumplemento sa "Go for Gold Medal In Athens" (GO GMA) Project ng Philippine Sports Commission nang makuha nito ang ikaapat Olympic berth sa huling Olympic qualifying tournament para sa Asia na ginanap sa Pakistan.

"Harry is a very valuable asset to Philippine sports. He is a con-sistent medal producer for the country as proven by his many victories in the past and we are behind him in his bid to win the elusive Olympic gold in Athens," ani PSC Chairman Eric Buhain.

Ang partisipasyon ng koponan noong May 5-12 tournament sa Karachi ay pinondohan sa pamamagitan ng Go GMA! Project, na itinatag ng PSC para tulungan ang mga atletang naghaha-ngad makakuha ng tiket sa Olympics at para mapalakas din ang prepa-rasyon ng mga atletang kuwalipikado na sa Athens Games.

Si Tanamor, na pinasalamatan ang PSC, ay isinelyo ang puwesto sa Olympics nang mapagwagian nito ang silver medal sa lightflyweight division ng torneo, na tinampukan ng mga pinakamamahusay na amateur boxers sa buong Asya.

"Now we’re slowly seeing results of the athlete’s labor. We always believe that given proper support, Filipino athletes have a chance to do really well in international competitions," ani Buhain. "The Go GMA! Project would go a long way in boosting our chances of finally capturing the gold in Athens."

Nakatakdang umalis ang Olympic boxing team patungong Bulgaria para sa 45 days training stint na maglalagay sa kanila sa bilang ng world-ranking tournaments sa buong Europa bago magtungo sa Athens sa Agosto.
vuukle comment

AGOSTO

ASYA

ATHENS GAMES

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

HARRY TANAMOR

MEDAL IN ATHENS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SI TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with