Ito ang tampok ngayon sa pagsalang ng Montana Pawnshop, Blu Star Detergent, Toyota Otis-Letran at Lee Pipes-Ateneo sa kanilang huling asignatura sa elimination round ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Letran Gym sa Intramuros.
Haharapin ng Jewels ang Blue Eagles sa unang sultada sa ika-2 ng hapon habang ang Detergent Kings at ang host na Knights ay magtatagpo sa alas-4 ng hapon.
Papasok sa ikalawa sa huling araw ng eliminasyong ito, ang mga ba-guhang Lee Pipes at Toyota ay kapwa nasa kailaliman ng standings sa taglay nilang 3-6 panalo-talong marka, na nangangahuhulgang ang kanilang kabiguan sa labang ito ay magpapatalsik sa kanila sa kon-tensyon.
Sa kabilang banda, ang Montana at Blu Star ay parehong may 4-5 karta, na naglagay sa kanila sa 4-way logjam para sa ika-3 hanggang ika-6 na puwesto kasama ang Sunkist-UST at defending champion Hapee Toothpaste.
Bagamat nasa mas magandang posisyon kaysa sa kanilang maka-katunggali ang Jewels at Blu Star ay obligado pa ring manalo upang masi-guro ang kanilang pag-usad sa quarterfinals. Ang kanilang tagumpay nga-yon ay magpapalakas din sa kanilang tsansang makuha ang posisyong may twice-to-beat na bentahe sa maikling yugtong ito ng torneo.
Kung mananalo ang Lee Pipes at Toyota sila ay tatapos na may 4-6 marka, na magtatabla sa kanilang biktima at magreresulta ng pagkakaroon ng playoff.
Sa quarterfinals, ang No.3 at No.4 seed ay nangangailangan lamang na manalo ng isang beses laban sa No.6 at No.5 seed, ayon sa pagkakasunod, para makausad sa semis, kung saan makakasama nila ang mga outright qualifier na Viva Mineral Water-FEU (8-1) at Welcoat Paints (6-3).
Ang Blue Eagles at Jewels ay kapwa nagwagi ng 3 sa nakalipas na 4 nilang laro kung saan ang una ay manggagaling sa makapigil-hiningang 72-70 panalo kontra sa Paint Masters habang ang huli naman ay magmumula sa 73-63 demolisyon sa Knights na kapwa nangyari noong Sabado. (Ulat ni Ian Brion)