^

PSN Palaro

Jun Limpot balik-aksiyon

-
Ang pinakahuling ulat tungkol sa Purefoods TJ Hotdogs ay nakakaalarma.

Sapul ng unang araw ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference, tinamaan ng injuries ang kanilang key players na naging hadlang sa kampanya nila sa transition tournament ng liga.

Kabilang sa mga casualty sina Eddie Laure (knee injury), rookie James Yap (back spasm), Rey Evangelista (knee injury) at Jun Limpot (sprained ankle). Ang resulta nangangapa ang Hotdogs ngayon na kasalukuyang may 4-11 win-loss record at nanganganib sa maagang pagbabakasyon.

Noong nakaraang linggo, naidagdag naman sa dumaraming listahan ng injured roster si coach Ryan Gregorio na naging dahilan kung bakit wala ito sa sideline.

Ayon sa batang mentor, nasaktan ang kanyang likod habang nakikipag-praktis ito sa San Miguel All-Star team kamakailan.

"I can’t stand up and sit down without pain," ani Gregorio, na sinabihan ng physical therapist ng kanilang team na huwag masyadong ipuwersa ang sarili.

Ang magandang balita naman, nakatakdang bumalik sa aksiyon si Limpot sa Linggo matapos hindi makalaro ng anim na laban.

Ang pagkakasama ni Limpot sa lineup ay malaking tulong sa frontline ng Purefoods para mabigyan nito ng karagdagang opensa ang Hot-dogs sa kanilang pakikipagtipan sa Talk N Text Phone Pals.

"Gustung-gusto ko na talagang maglaro," ani Limpot "Baka sobra pa sa todo-bigay ang gagawin ko."

EDDIE LAURE

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

JAMES YAP

JUN LIMPOT

LIMPOT

PUREFOODS

REY EVANGELISTA

RYAN GREGORIO

SAN MIGUEL ALL-STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with