^

PSN Palaro

Manny Pacquiao, No. 2 sa mundo

-
LOS ANGELES -- At dahil sa mahusay na performance na puno ng puso, nailuklok ang Mexican na si Juan Manuel Marquez sa No. 1 spot sa hanay ng mga world’s featherweights sa ipinalabas na rankings ng USA Today kung saan ang Pinoy na si Manny Pacquiao ang siya namang nakakuha sa No. 2 slot.

Si Marquez na tatlong ulit na pinabagsak sa unang round ni Pacquiao noong Sabado ng gabi ng kanilang laban ay nakuntento lamang sa split draw matapos ang mainit na 12 rounds sa harap ng 7,127 manonood sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa kabila ng tatlong ulit na ginawang pagpapabagsak ng paboritong si Pacquiao, hindi ito magiging sagabal sa kampanya ni Marquez na naglabas naman ng atake sa pagtatapos ng laban, naniniwala ang maraming ringsiders na siya ang maagang kandidato para sa Fight of the Year sa taong ito.

At ang karagdagang tikas na ipinamalas ni Marquez ang naging ugat ng breathtaking draw’ makaraang magbigay si John Stewart ng 115-110 iskor pabor kay Pacquiao, umiskor naman si Guy Jutras ng 115-110 para kay Marquez at si Burt Clements ay 113-113.

At nakaapekto rin kay Pacquiao ang impresibong performance ni Marquez sa standing ng USA Today sa maikling listahan ng world’s 12 best fighters pound-for-pound.

Bago ang kanilang May 8 na laban, si Manny ay naitala na kabilang sa anim na top boxers sa mundo.

Samantala, isang hero’s welcome ang sumalubong kay "People’s Champion" Manny Pacquiao nang dumating ito kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2.

Bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Pacquiao buhat sa Estados Unidos, ay halos wala ng madaanan sa arrival area dahil sa dami ng mga tagahangang matiyagang naghintay sa kanya.

Bagamat hindi naiuwi ni Pacquiao ang korona na kanyang pinakamimithi at inaasam ng mga Pilipino, mainit pa din ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga tagahanga dahil naniniwala ang mga ito na siya ang tunay na nanalo sa kanilang laban ni IBF at WBA featherweight champion Juan Manuel Marquez ng Mexico

Sinabi ni Pacquiao na nang matapos ang laban at napaiyak siya dahil sa paka-kadismaya sa naging hatol ng mga hurado.

Magpapahinga muna si Pacquiao ng dalawang buwan at pagagalingin ang kanyang kamay bago muling sumabak sa training upang paghandaan ang kanyang susunod na laban.

BURT CLEMENTS

ESTADOS UNIDOS

FIGHT OF THE YEAR

GUY JUTRAS

JOHN STEWART

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with