^

PSN Palaro

Reyes, pasok sa finals

-
Nakarating si Efren "Bata" Reyes sa finals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour leg nang patalsikin niya ang kababayang si Warren Kiamco, 11-4 sa harap ng maraming Pinoy sa Asian Pacific Learning Activity Center sa Taiwan.

Ipinakita ng 49 anyos na si Reyes, ang kanyang mastery kay Kiamco sa race-to-11 match na tila replay ng kanilang nakaraang laban --kung saan nililimas ang rack sa mesa habang halos isang oras at 15 minutos na nakaupo si Kiamco sa kanyang upuan na naghihintay ng kanyang tira.

Inamin ng 34 anyos na Cebuano na mas makakalaro siya ng maganda ngunit hindi ito makakuha ng break sa mga tira ni Reyes nang dikit pa ang laban sa 4-3.

May isang tira na akala ni Kiamco ay naitago niya ang ball-2 sa pagitan ng dalawang bola sa corner pocket kung saan walang malinaw na daan para makapasok ang cue ball.

Ngunit nagkamali siya dahil isang long shot ang tinira ni Reyes na hindi lamang nakita ang 2-ball kundi itinago pa ang white ball na nakatago sa dalawang de-kulay na bola.

Hinihintay na lamang ni Reyes ang mananalo sa pagitan nina Jeong Young Hwa, ang Korean ranked No. 9 sa mundo kontra kay Thai Chatchawal Rutphae na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

ASIAN PACIFIC LEARNING ACTIVITY CENTER

BALL TOUR

BATA

CEBUANO

JEONG YOUNG HWA

KIAMCO

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

THAI CHATCHAWAL RUTPHAE

WARREN KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with