Basadre nagpakitang -gilas

Naglaro na parang beterano ang pinakabatang miyembro ng 4-man RP-Alaxan FR boxing team.

Naungusan ng 19-anyos na si Genebert Basadre si Dipendra Maharjan ng Nepal, 24-10 upang makapasok sa quarterfinal ng 3rd Asian Olympic boxing qualifying tournament (Green Hill Cup) sa KPT Sports Complex dito.

Panay jab at sayaw sa dalawang minutong 4 round match, nagpama-las ng dominasyon ang Philippine Army stalwart kontra kay Maharjan upang maagang irehistro ang panalo sa 60 kg. division (lightweight) at makasama si flyweight Harry Tanamor sa susu-nod na round ng meet na humatak ng 29 bansa at 133 boxers.

Kasalukuyang nakikipaglaban ang dalawa para sa semifinals berth habang sinusulat ang balitang ito.

Kalaban ni Tanamor ang Kazakhs na si Abdraimov Nurlan sa 48 kg. quarterfinal bout habang nakikipagpalitan ng suntok si Basadre kay Malaysian Adnan Yusoh, na nanaig kay Djuraev Khurshed ng Tajikistan, 25-20.

Nauna nang yumuko si Ferdie Gamo sa kanyang preliminary bout kontra sa Vietnam Southeast Asian Games gold medalist na si Worapoj Petchkoom ng Thailand, 23-12, sa 54 kg. (bantamweight).

Hinimok ni Manny Lopez, pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP), ang team na suportado ng Alaxan-FR, Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Accelna ibinigay nila ang lahat ng kanilang kakayahan sa isang linggong torneo na nagsisilbing huling Asian Olympic qualiyfing tournament.

"I believe in the abilities of our boxers and I know they will give their best for our country," ani Lopez.

Bagamat naantala ang laban ni Basadre kay Maharjan at ang 19 pang ibang laban dahil sa insidenteng pambobomba sa Muslim capital, hindi nag-alala ang payat na Pinoy sa kanyang naging laban.

Show comments