^

PSN Palaro

Reyes vs Kiamco sa semis

-
TAIPEI -- Nanonood ng aksiyon mula sa higanteng screen na inilagay sa loob ng venue, nakita ni Warren Kiamco kay Efren ‘Bata’ Reyes ang galaw ng mga katawan at galaw ng bola na nagsasabing hindi matatawaran ang galing ng pool icon at hindi kayang daigin.

"Perfect ang galaw ng puti (cue ball)," ani Kiamco. "Massacre ito."

At totoo nga, ipinakita ni Reyes ang de kalidad na laban upang igupo ang Korean na si Park Shin Young, 9-4 para sa kanyang ikaapat na sunod na semifinal appearance sa San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Learning Asia Pacific Activity Center.

"I just got lucky in the first games," ani Reyes, na dinumog ng dose-dosenang Pinoy overseas workers matapos ang laban, at manatili sa tamang daan patungo sa ikatlong titulo sa ikaapat na yugto ng nation-hopping series na ito na nagbibigay ng $250,000 overall at $10,000 kada leg champion.

Nakarating din sa semis si Kiamco, na nag-aalala, matapos ang 9-4 quarterfinal win kay Ibrahim Min Amir, isang ex-snooker player na ipinanganak sa General Santos City bago nanirahan sa Malaysia.

At may katuwirang mag-alala ang 34 anyos na Cebuano dahil nang magkrus ang kanilang landas, tinalo ni Reyes si Kiamco sa finals ng Singapore leg noong Enero at noong nakaraang taong season-ending tournament sa Manila.

Sa isa pang semis, makakaharap ng Korean na si Jeong Young Hwa, nanaig kay Antonio Gabica, 5-9, ang Thai na si Chatchawal Rupthae, na lumusot sa 15-year old Wu Chia-Ching ng Taiwan, 9-8.

ANTONIO GABICA

BALL TOUR

CHATCHAWAL RUPTHAE

GENERAL SANTOS CITY

IBRAHIM MIN AMIR

JEONG YOUNG HWA

KIAMCO

LEARNING ASIA PACIFIC ACTIVITY CENTER

PARK SHIN YOUNG

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with