Sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ay nakatakdang magpakita ng kanilang tikas sa Sabado ng gabi na giyera (Linggo ng umaga sa Manila) para sa featherweight sa MGM Grand Garden Arena, ang mananalo sa nasabing laban ang siyang makakaentra sa sports inner circle kung saan sina Roy Jones at Oscar De La Hoya ang siyang major players.
Higit pa sa pera ang kanilang kikitain, kundi ang respeto sa harap ng libu-libong manonood na siyang magdedetermina kung sino sa kanilang dalawa ang mas macho.
Sa kabila ng paghawak niya ng dalawang korona sa world feather-weight division, hindi pa rin nakukuha ni Marquez ang pagkilala na karapat-dapat na ibigay sa kanya na makikita na naka-display sa mga sports book kung saan nakalista si Pacquiao bilang mahigpit na paborito na makukuha ang pinakaiingatang kayamanan ng Mexi-cano--ang World Boxing Association at International Boxing Federation 126 lbs. crowns.
Nakuha ni Pacquiao ang nasabing pagkilala nang kanyang talunin ang mga mahuhusay ring warriors na gaya nina Erik Morales at Marco Antonio Barrera na kanyang binugbog sa Alamodome sa San Antonio, Texas noong nakaraang taon.
"This fight is going to be tough," wika ni Marquez na tumimbang ng 125 lbs., na kinapos lamang ng isang pound para sa itinakdang tim-bang sa featherweight. "But we are all confident I will win."
Si Marquez na sinalubong ng mga hiyawan mula sa Mexican gallery nang siya ay pumasok sa Hollywood Theater, 20 minuto bago ang alas-4 ng hapon na opisyal weigh-in.
At ng si Pacquiao naman ang siyang umentra, 10 minuto matapos ang pagpasok ni Marquez, siya ay sinalubong ng mga boos ng mga panatiko ng Mexican champion, ngunit hindi rin nagpahuli ang isang grupo ng mga Filipinos na may hawak ng maliliit na bandila ng Pilipinas at kanilang iwinagayway ito nang dumaan ang Pinoy pug upang ipakita ang kanilang suporta dito.
Ipinakita ni Pacquiao ang kanyang matitipunong muscles na mistu-lang parang kay Incr-dible Hulk matapos na tumimbang ng 125 lbs. na gaya rin ng kanyang inaasahang timbang nang kanyang sagupain si Barrera sa Lone Star State.
"Relax lang kayo lahat," ani naman ni Pacquiao na may halong biro na nagsabi ito na "Bakit ba kayo nine-nerbyos? Ako ang bahala dito."