Django umaasang makakabangon
May 7, 2004 | 12:00am
Nag-iikot sa lobby ng Holiday Inn Asiaworld hotel, magaan ang pakiramdam ni Francisco Django Bustamante.
Ngunit hindi masasabi kung ganito rin ang kanyang magiging laro.
Ang pangunahing player sa daigdig ay hindi pa nakakaporma matapos ang tatlong yugto ng 2004 San Miguel Beer-Asian 9-Ball Tour at desperado na itong maibalik ang porma sa pagpasok ng Taipei leg na magsisimula ngayon sa Leader Asia Pacific Creativity Center.
"Ewan ko ba kung bakit hindi ako manalo-nalo," anang 40-year old na tubong-Tarlac na maraming beses nang nagwagi sa mga torneo sa buong daigdig, ngunit laging bulilyaso dito sa five-leg, nation-hopping series na inorganisa ng ESPN Star Sports Events Management Group sapul nang magsimula ito sa Singapore.
Makakaharap ni Bustamante ang Singaporean na si Tan Tiong Boon sa kanyang opening match ngayon sa kanyang grupong wala gaanong bigating kalaban.
Magaan din ang makakalaban ng kumpare niyang si Efren Bata Reyes na nakatakdang makipagtipan kay Alwi ng Indonesia.
Makikipagpalitan naman ng tako si Warren Kiamco kay William Ang Boon Lay ng Singapore habang makakalaban naman ni Lee Van Corteza si Alok Kumar.
Ang first timer na si Leonardo Andam ay makikipag-bakbakan kay Nguyen Thanh Nam at bubuksan naman ni Antonio Gabica ang kanyang kampanya kontra kay Au Chi Wai ng Hong Kong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended