Sa isang pribadong mainit at maalinsangang state-of-the art gym sa gitna ng disyertong lungsod na ito, si featherweight champion Manny Pacquiao ay nasa timbang na 126 pounds, na husto sa opisyal na timbang, tatlong araw bago ang nakatakdang official weigh-in sa Biyernes.
At umani ito ng palakpak mula sa miyembro ng Team Pacquiao at power hitting-Pinoy ring idol na nagbigay sa kanilang masaya at mataas na kumpiyansa para sa kanyang laban sa Sabado (Linggo sa Manila) kay Mexican champ Juan Manuel Marquez sa MGM Grand Arena.
Ang 30 anyos na si Marquez ay huli ng dalawang araw nang duma-ting sa MGM Grand para sa media conference at weigh-in para sa kanilang inaabangang laban kung saan itataya ng Mehikano ang kanyang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Asso-ciation (WBA) featherweight titles.
At lahat ay pumapabor kay Pacquiao. Maging sa Las Vegas oddsmakers, 3-2 paborito ang Pinoy-- sa isang pambihirang okasyon na hindi siya ang underdog--at inaasahang makakapasa sa weight limit na babala ng kanyang kahandaan matapos ang anim na linggong puspusang pagsasanay sa Wild Card gym sa Hollywood.
At sa pagtaas ng temperatura sa 100 degrees sa araw, pinagpapawi-sang ang 25 anyos na si Pacquiao sa kanyang dalawang oras na work-out.
Suot ang kanyang paboritong gray sauna suit, isinasagawa ng Pinoy ang kanyang pang-araw-araw na routine drills-- calisthenics, skip-ping rope, at pagsuntok sa speed ball at paghahasa ng kanyang 1-2 combinations,--sa gym ng kanyang trainer na si Freddie Roach.
Sa katunayan, tinuruan ni Roach ito ang bagong kombinasyon para idagdag sa lakas ni Pacquiao kontra sa mahusay na counter-punching na Mexican.
"Well do another workout tomorrow then slow down,maybe walk around instead of jogging to loosen up," ani Roach, para iselyo ang lahat ng usapin tungkol sa isyung pagkasunog ni Pacquiao na maagang naghanda kay Marquez.
Na-impress sa ma-husay na porma ni Pacquiao hinuhulaan ni Tony Fila, sinabi nitong hindi tatagal ng anim na round ang laban. (Ulat ni Lito A. Tacujan)