Ang 8-man boxing team na pinangungunahan ni Vietnam Southeast Asian Games gold medalist Harry Tanamor ay dumating dito noong Martes ng gabi (Miyerkules ng umaga sa Manila) na pagod na pagod mula sa mahabang biyahe na kinuha ng Filipino delegation mula Manila hanggang Bangkok patungo sa Muslim state na ito ng dalawang beses ang laki sa California.
At kamalasan pa, hindi nakuha ni referee/judge Art Vidal ang kanyang naka-check-in na bagahe at ilang personal na pag-aari na naiwanan ng team nang bumama sila sa Bangkok International airport.
Gayunpaman, ang RP pugs na ang biyahe dito ay naging posible sa tulong ng Alaxan FR, Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Accel, ay nanatiling nasa magandang mood.
"Ang sabi namin sa mga bata alisin na muna nila sa isip yun. The im-portant thing is for us to get ready, physically and mentally, for the meet," ani nina RP coaches George Caliwan at Pat Gaspi.
Pinagsabihan ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Manny Lopez ang team na binubuo nina Ferdie Gamo, Junard Ladon at Genebert Basadre, na manatiling positibo sa kanilang hangarin at ibigay ang lahat ng kakayahan sa isang linggong torneo na magsisilbing final stage ng three boxing qualifying meet sa Asian region para sa nalalapit na Athens Olympics.
"I told them buhos na ito. Our primary consideration is to add more Filipino boxers to see action in the Olympics," ani Lopez, na siya ring secretary-general ng Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB).
Nauna rito sina Romeo Brin, Violito Payla at Chris Camat ang tatlong Pinoy na nakasiguro na ng slots sa Summer Games na nakatakda sa August 18-29.
Ang weigh-in ay nakatakda ngayong hapon ilang oras bago mag-simula ang laban sa gabi.
Si Tanamor ay lalaban sa light flyweight class, Gamo sa bantamweight division, Ladon sa featherweight at Basadre, pina-kabata sa apat na Pinoy, lightweight class.
Sinabi ni Gaspi na habang karamihan sa mga pinakamagagaling na boksingero sa rehiyon ay nakakuha na ng puwesto sa Athens Games, tiyak na magiging mahi-rap pa rin ang kompetisyon dito kung saan ang mga makakalaban nila ay magmumula sa Thailand, Korea, Uzbekistan at host country.
"Mabigat pa rin ang mga kalaban," ani Gaspi.