^

PSN Palaro

Rosales,nagbigay ng karangalan sa bansa

-
STOCKBRIDGE, Georgia - Pumalo si Jennifer Rosales ng 7-under-par 65 para itala ang kanyang unang panalo sa LPGA Tour noong Linggo matapos niyang igupo ang mga kalabang sina Annika Sorenstam, Grace Park at iba pang mahuhusay na players upang mapagwagian ang Chick-Fil-A Charity Championship.

Sinimulan ni Rosales ang kanyang pananalasa sa pamamagitan ng apat na strokes sa likod ng 18-anyos na si Aree Song, na nagtangkang maging pinakabatang winner sa kasaysayan ng women’s tour.

Si Song ay bumagsak sa final day nang kumunekta ito ng 78 na naglagay sa kanya sa siyam na strokes sa likod ni Rosales.

Ang 25-anyos na mula sa Philippines ay lumaro ng apat na threesomes at umabante sa final group, isinalba ang par sa par-5 final hole sa halip na sumalikwat ang kanyang ikalawang tira patungo sa temporary club seats malapit sa kaliwang bahagi ng berdeng damuhan.

Siya ay nagtala ng 14-under 274, bago ninenerbiyos na pinanonood ang ilang golfers na nagtangkang maipuwersa ang playoff sa Eagle’s Landing Country Club sa Suburban Atlanta. Ngunit ang lahat ay pawang bigo.

Samantala, nakisakay rin si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa paghahatid ng kanyang papuri sa tagumpay na ito ni Rosales.

At sa pagkakataong ito, na kailangan ng bansa ng inspirasyon mula sa ilang mabibilang na sports heroes ang tagumpay na ito ni Rosales ay dumating sa tamang pagkakataon upang magsilbing elemento para magkaisa para sa bayan.

ANNIKA SORENSTAM

AREE SONG

CHICK-FIL-A CHARITY CHAMPIONSHIP

GRACE PARK

JENNIFER ROSALES

LANDING COUNTRY CLUB

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN ERIC BUHAIN

SI SONG

SUBURBAN ATLANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with