Taiwanese crowd ang kalaban ng Pinoy
May 3, 2004 | 12:00am
Hindi lamang ang pinakamahuhusay na Taiwanese cue masters ang pagtutuunan ng pansin nina Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante kundi higit sa lahat ay ang manonood sa kanilang partisipasyon sa ikaapat na yugto ng mayamang San Miguel Asian 9-Ball Tour na magsisimula sa Biyernes sa Taiwan.
Si Reyes, na na-sweep ang dalawang unang yugto ng 5-stage series na itinataguyod ng San Miguel Beer, ay magtatangkang bumawi sa kanyang kabiguan sa Hong Kong noong nakalipas na dalawang linggo kung saan natalo siya sa semifinals sa nagchampion na si Yang Ching Shun ng Kaohsiung, na namuno sa 7-player host squad sa $50,000 event.
Si Chao Fong Pong, kinokonsiderang dean ng Taiwanese pros, ay nakalinya din sa dating two-time world champion na babangon makaraang matalo kay Reyes sa Vietnam.
Samantala, magbabalik naman si Chen Huang Wu sa tour na inorganisa ng ESPN Star Sports Management Group.
Kukumpleto sa roster ng host sina Hsia Hui Kai, Wang Hung Hsiang, Kuo Po Cheng at Hung Lu Kung.
Ngunit tatapatan ng malakas ding Philippine squad, kung saan si Bustamante, ang reigning world No. 1, ay umaasang makakabawi sa kanyang hindi magandang performance sa naturang serye.
Kasama din sa lineup ng bansa sina Lee Van Corte-za, Antonio Gabica at Warren Kiamco at Leonardo Andam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended