Abalang araw para sa PSA forum

Isang abalang araw ang nakatakda sa PSA forum bukas kung saan tatlong pangunahing sports officials ang dadalo sa two-part session sa Manila Pavilion.

Ang paglahok ng bansa sa 3rd Asian boxing qualifying tournament sa Karachi, Pakistan, ang unang bahagi ng public sports program na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR, kung saan tatalakayin ng mismong si Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Manny Lopez ang kanilang partisipasyon.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang pagtalakay nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain at Dr. Raul Canlas, Medical Director ng Philippine Center for Sports Medicine, ang tungkol sa Philippine Sports Talent Identification Program.

Dadalo din si dating International Chess Federation (FIDE) President Florencio Campomanes.

Show comments