CCP varsity tryouts

Pinalalakas ng CCP Bobcats, reigning overall champion ng Colleges and Universities Sports Association tournaments, ang kanilang koponan para sa paghahanda nila sa nalalapit na school year. Ang mga atletang nagnanais na maging bahagi ng 2004-2005 squad ay inaanyayahan na magtry-out sa men’s basketball team na ginigiyahan ni ex-PBA cager at dating Olympian Elias Tolentino. Ito ay nakatakda sa ganap na alas-3 ng hapon tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes simula ngayon.

Lahat ng interesadong atleta naman sa Women’s basketball team na pinamamahalaan ni coach Henry Serrano ay kailangang dumalo sa tryouts sa Martes, Huwebes at Sabado, ganap na alas-3 ng hapon simula bukas.

Ang iba pang tryouts na gaganapin ay sa volleyball, table tennis, badminton, chess at football.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kina Henry Serrano at Zaldy Fortuna sa telepono bilang 715-5170 hanggang 75 local 123. Ang mga aplikante ay kailangang nagtapos ng high school at may edad 17 hanggang 22 anyos.

Show comments