Pruweba na ang opening set nang magaan itong kinuha nina Dosdos at Carpio ng Philippine Navy ngunit masama naman ang naging panimula sa ikalawang set nang higit na nagpakita ng agresibong laban ang UP tandem, para sa 6-2 bentahe at nagbanta pa sa kanilang best-of-three final sa sand-court ng Clearwater Country Club sa Pampanga.
"Pagod na rin kasi kami. Nag-isip kami ng paraan kung papaano mapapadali ang game at sosorpresahin ang kalaban," sabay na wika ng dating national volley team members.
Wala nang magaan na set plays at mabilis na returns ang isinagawa nila na naging matagumpay sa tambalan nina Dosdos-Carpio, nang muling nanalasa ang dalawa at itabla ang iskor sa 7-7.
"One-touch ball lang kami, pagbigay nila ng bola, ibinabalik agad namin," dagdag ni Dosdos. "May usapan na kami na pag itinaas ko, wag na nya i-set uli. Ibabalik na nya sa kalaban."
Nakausad ang Navy sa 12-8 at hindi na muling nakabawi sina San Diego at Montefrio.
"Hindi na sila nakapag-adjust after that kasi siguro pagod na rin sila," ani Carpio na makikihati kay Dosdos sa P10,000 premyo sa yugtong ito na suportado ng Petron at Universal Motors at Wilson bilang official ball.