PBL Unity Cup: 6th win ipininta ng Welcoat
April 30, 2004 | 12:00am
Naging sandigan ng Welcoat Paints ang dalawang freethrows na isinumite ni Dino Aldeguer sa mga huling sandali ng laro upang dalhin ang Paint Masters sa 83-81 panalo laban sa Toyota-Otis Letran kahapon sa pagpapatuloy ng PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Abante ang Welcoat sa 81-77 sa pagpasok ng huling dalawang minuto ngunit agad itong nai-tabla ng Knights sa 81-81 mula sa dalawang charities na ipinukol ni Dennis Daa at isang field goal kay Ronjay Enrile may 50.8 segundo pang nalalabi.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagbigay ng isang foul si Enrile na nagbigay-daan kay Aldeguer upang iangat ang Paint Masters sa 83-81.
Nagawa ring pigilan ng Welcoat ang mga pagtatangka ni Enrile at Daa sa three-point area upang tuluyang angkinin ang ikaanim na panalo ng Paint Master sa pitong asignatura. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended