Tuloy pa rin ang laban ng Rhum Riders
April 30, 2004 | 12:00am
BAGUIO--Sa kanilang pagdating sa malamig na lugar ng Baguio, alam ni Tanduay Rhum captain Arnel Quirimit na isa lamang alaala ang Air21 Tour Pilipinas sa kanyang career.
Isang alaala na mas gusto na niyang kalimutan at isalba na lamang ang mga magagandang alaala.
"I would just like to thank Tanduay for all the support it has extended to the team and myself," anang napatalsik na individual champion. "I have never seen such determination and support in a sponsor."
Sa maliwanag na pagpapakita ng "Celebrating the Filipino Spirit," na siyang tema ng ika-150th aniber-saryo ng Tanduay ngayong taon, isinantabi na ng koponan ang kamalasan nila sa naunang tatlong yugto at patuloy na nakikipaglaban.
"Thats what sports and competition are all about, you keep on fighting no matter what," anaman ni Larry Li, Tanduays advertising manager na personal na namamahala sa biyahe ng koponan mula sa Sorso-gon at magwawakas sa Linggo sa Maynila.
Si Li at ang buong Tanduay corporate staff ay hindi bumitiw kay Quirimit at sa koponan kahit na kulelat pa sila sa team event nang magkatrangkaso ang kanilang kapitan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest