^

PSN Palaro

Tour Pilipinas 2004: Domingo lider uli

-
BAGUIO City --Baligtad naman ang pangyayari ngayon. Kung dati’y nahuhubaran ng yellow jersey si Enrique Domingo pag-akyat ng karera sa malamig na bayang ito, kahapon, dito naman niya nakuha uli ang jersey na simbolo ng overall leadership pagkatapos ng Stage 14 na nanggaling ng Vigan paakyat sa summer capital city ng bansa via Marcos highway kahapon kung saan nagsubi naman ang kan-yang assistant skipper na si Lloyd Reynante ng kanyang ikalawang stage win sa pagpapatuloy ng umiinit na aksiyon sa 2004 Air21 Tour Pilipinas.

Sa pagpupursigi ng STAR carrier na si Domingo, team captain ng Postmen, na makadagdag ng puntos sa pinupuntiryang ikaapat na Sprint King title, hindi niya akalaing mababawi niya kay Rhyan Tanguilig ng PLDT ang yellow jersey patungo sa huling tatlong stage ng Tour na sinuportahan ng Gatorade, Summit, Lactovitale, Red Bull, Elixir Bikeshop, Pharex at Isuzu.

"Balak ko lang talaga, kunin ‘yung sprint para mas makatambak ng puntos. Pagkatapos pa lang ng first KOM (King of the Mountain stretch) may break-away na kaya humabol ako. Wala sigurong nakakita sa akin kaya nakalusot ako," wika ng 35-gulang na si Domingo, tubong San Carlos Pangasinan. "Pasalamat ako sa mga kasama ko sa breakaway. Nagpalitan talaga kami ng trangko pero pagdating dito sa taas, gumagapang na ako, tinahi ko na lang hang-gang finish (line)," dagdag pa ng national team member.

Mula sa 14-segundong distansiya sa dating overall individual leader na si Tanguilig pagkatapos ng Team Time Trial na Stage 14, muling magsusuot ng yellow jersey si Domingo na may anim na minuto at 25-segundong bentahe kay Alberto Primero ng Dole na nanatili sa second place, sa kanyang kabuuang oras na 58-hours, 31-minuto at 34-segundo, 8:23 minuto sa third placer nang si Joel Calderon ng Beer na Beer, 9:40 kay Reynante na umahon sa fourth place mula sa 11th at 10:07 minuto kay Tanguilig na bumagsak sa fifth place matapos magsuot ng yellow jersey ng dalawang sunod na araw.

"Di ko naman binalak ‘yung overall," wika ng Quezon City-to-Olongapo Stage 6 winner na si Domingo sa Killer Lap ng Tour---ang 199.7-kilometrong Baguio-to-Baguio Stage 15 na bababa sa Marcos highway, aakyat via Naguillian road, bababa uli sa Marcos highway at aahon naman via Kennon Road kung saan ang mananalo ay may special prize na P25,000 at Killer Lap champion title bukod pa sa P10,000 na stage prize.

Unang tinawid ng Solano-to-Tuguegarao Stage 10 winner na si Rey-nante ang finish line kasunod si Michael Primero ng Dole at Michael Ramos bilang runner-up at third placer ng stage ayon sa pagkakasunod na may pare-parehong oras na 5:53.24, may 6:48 minutong layo kay Domingo na may mahigit 10-minuto namang na-una kay Tanguilig.

Nakabawas naman ng halos tatlong minuto ang Dole ng oras sa team competition kung saan nakataya ang P1-million team prize para ma-kalapit sa Postmen na may 21:34 minutong layo sa Postmen na may nangungunang aggregate time na 175:10:00.4 habang bumagsak sa third place ang Beer na Beer na may 39:25 minuto nang distansiya mula sa dating mahigit 13-minuto lamang.

Samantala, hindi na nakatapos ng karera ang Patrol 117 team captain Placido Valdez kahapon at umurong na ito sa kompetisyon kasunod na nag-withdraw ni Merculio Ramos ng Samsung kamakalawa na nagkaroon ng trangkaso. Bunga nito, 77 siklista na lamang ang natitira. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALBERTO PRIMERO

BAGUIO STAGE

CARMELA OCHOA

DOMINGO

ELIXIR BIKESHOP

ENRIQUE DOMINGO

KILLER LAP

MINUTO

STAGE

TANGUILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with