^

PSN Palaro

May bombang sasabog ang isang PBA team

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Baka next week, may gagawing malaking announcement ang isang PBA team patungkol sa isang malaking pagbabago sa coaching staff nila.

Aabangan natin ang announcement na yan...

Ikagugulat ba ng mga basketball fans ang announcement na yan?

Hindi na siguro.

Maraming fans ang matagal na rin namang nage-expect sa announcement na ito.
* * *
Nakakarma na nga ba ang isang sikat na basketball player dahil sa ginagawa niyang pambabae at pagpapabaya sa kanyang tunay na pamilya?

Malaki na ang ibinaba ng kanyang laro at hindi na rin siya malaking factor sa kanyang team ngayon.
* * *
Natalo na rin ang Welcoat sa PBL.

TInalo at tinambakan pa sila ng Montana team.

Nabuhayan ang ibang teams dahil napatunayan nilang hindi naman pala ganoon ka-invincible ang Welcoat Paint Masters.
* * *
Nagtatanong-tanong na raw ang mga big bosses ng isang PBA team sa ilang observers kung ano ba sa tingin nila ang mali sa kanilang team.

Nanghihingi na sila ng mga opinyon at advise sa mga taong sa palagay nila eh maaring makatulong sa gagawin nilang desisyon patungkol sa kanilang team.

At sa kanilang pagtatanong--iisa ang naririnig nilang ibinibigay sa kanilang opinyon.

At ano ang opinyon na yan?

Palitan na raw nila ang kanilang coach.

Pakikinggan kaya nila yan o may iba silang plano? Malalaman natin....
* * *
Tanong: Tutuo ba na may relasyon ang size ng sapatos o paa ng isang lalake sa size ng kanyang male organ?

Isang recent study ang ginawa upang patunayan kung mali o tama yan.

At ang resulta ng study?

Hindi yan tutuo.

Ibig sabihin, hindi porke malaki ang size ng paa ng isang lalake eh ganoon na rin siya ka-well endowed.

Naniniwala kaming tama ang resulta ng study na yan.

Napakaraming basketball players ang makapagpa-patunay niyan.

vuukle comment

AABANGAN

CENTER

IBIG

IKAGUGULAT

ISANG

MALAKI

WELCOAT PAINT MASTERS

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with