May 'Korporasyon' sa trade team
April 27, 2004 | 12:00am
Kaya nga sponsor teams ang ginawa ng Air21 Pilipinas at hindi regional teams kasi para maiwasan ang korporasyon ng mga siklista.
Ang kaso iba naman ang ipinapakita ng mga naghiwa-hiwalay na members ng Trade Team.
Magkakaiba nga sila ng team pero sila-sila ang nagtutulungan.
Hindi nakakabuti yung ginagawa nila kasi hindi nila natutulungan yung talagang team nila dito sa karera.
Tulad noong nakaraang araw, limang Trade Team members ang nasa unahan kaya nagtulungan silang makalayo.
Kasama sa lead pack ang national team member na si Warren Davadilla at galit na galit sa finish line dahil pinagkaisahan siya ng mga taga-Trade Team.
Si Cesar Labramonte, coach siya ng VAT riders pero tinutulungan din niya yung mga Trade Team kasi siya din ang coach nito.
Sabi ng ibang siklista, nasisira yung laro sa ginagawa nila.
Laging tinatanggi ng Trade Team riders pero kapansin-pansin naman yung pagtutulungan nila.
Laging nagmi-miting yung mga Trade Team at kung minsan hindi pa natutulog sa hotel ng team nila dahil ibinibillet sila ng ibang hotel ng (PAGCOR)
Marami nang nagagalit na siklista sa kanila sa ginagawa nila. Pati mga ka-teammate nila, nagagalit sa kanila kasi imbes na team ang tulungan, yung hindi nila ka-team ang tinutulungan.
Kaya nagkaroon ng ruling na bawal magbigay ng tubig at pagkain sa hindi ka-team kasi yung ibang Trade Team members, imbes na bigyan yung ka-team nila talaga, yung mga kasama nila sa Trade Team ang binibigyan.
Kaya nga pinagtuunan din ng pansin ang premyo para sa team para magkaroon ng maayos na samahan ang magkakasama sa iisang team ngayong karera.
Ang kaso hindi ganun ang nangyayari, dahil siyempre tiyak na nag-usap-usap na ang mga members ng Trade Team sa magiging resulta ng pagtutulungan nila sa isat isa.
Eh kung ganun dapat siguro, pinagsama-sama na lang sila at dinala ang pangalan ng Trade Team kaysa sa ganito ang mangyayari at hindi nagbibigay ng magandang halimbawa sa mga rookies na kasama ngayon. Anong sey nyo?
Paki ng kaibigang Tito Talao: Magkakaroon ng tryouts ang Lyceum Pirates para sa mga manlalarong may edad 24 taong gulang pababa sa Lyceum gym ganap na alas-11 ng umaga hanggang ala-una ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Sa lahat ng interesado kontakin lamang si coach Bonnie Tan sa cellphone no. 0922-8847223 o kaya sa 527-8251 local 120.
Ang kaso iba naman ang ipinapakita ng mga naghiwa-hiwalay na members ng Trade Team.
Magkakaiba nga sila ng team pero sila-sila ang nagtutulungan.
Hindi nakakabuti yung ginagawa nila kasi hindi nila natutulungan yung talagang team nila dito sa karera.
Tulad noong nakaraang araw, limang Trade Team members ang nasa unahan kaya nagtulungan silang makalayo.
Kasama sa lead pack ang national team member na si Warren Davadilla at galit na galit sa finish line dahil pinagkaisahan siya ng mga taga-Trade Team.
Si Cesar Labramonte, coach siya ng VAT riders pero tinutulungan din niya yung mga Trade Team kasi siya din ang coach nito.
Sabi ng ibang siklista, nasisira yung laro sa ginagawa nila.
Laging tinatanggi ng Trade Team riders pero kapansin-pansin naman yung pagtutulungan nila.
Laging nagmi-miting yung mga Trade Team at kung minsan hindi pa natutulog sa hotel ng team nila dahil ibinibillet sila ng ibang hotel ng (PAGCOR)
Marami nang nagagalit na siklista sa kanila sa ginagawa nila. Pati mga ka-teammate nila, nagagalit sa kanila kasi imbes na team ang tulungan, yung hindi nila ka-team ang tinutulungan.
Kaya nagkaroon ng ruling na bawal magbigay ng tubig at pagkain sa hindi ka-team kasi yung ibang Trade Team members, imbes na bigyan yung ka-team nila talaga, yung mga kasama nila sa Trade Team ang binibigyan.
Kaya nga pinagtuunan din ng pansin ang premyo para sa team para magkaroon ng maayos na samahan ang magkakasama sa iisang team ngayong karera.
Ang kaso hindi ganun ang nangyayari, dahil siyempre tiyak na nag-usap-usap na ang mga members ng Trade Team sa magiging resulta ng pagtutulungan nila sa isat isa.
Eh kung ganun dapat siguro, pinagsama-sama na lang sila at dinala ang pangalan ng Trade Team kaysa sa ganito ang mangyayari at hindi nagbibigay ng magandang halimbawa sa mga rookies na kasama ngayon. Anong sey nyo?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am