^

PSN Palaro

Tour Pilipinas 2004: Yellow jersey inagaw na ni Tanguilig

-
LAOAG City -- Pagkatapos ng mahaba, mahangin, ahunin at mainit na Stage12 kahapon, lumitaw ang bagong overall leader sa Air21 Tour Pilipinas.

Inagaw ni PLDT team captain Rhyan Tanguilig ang dilaw na jersey kay Postmen team skipper Enrique Domingo na limang sunod na araw na overall individual leader, pagkatapos ng 252-kilometrong Aparri-to-Laoag stage kung saan naging primera si Albert Primero ng Dole para sa kanyang ikalawang stage win.

"Hindi ko akalain na makukuha ko ngayon," wika ng 25-gulang na rider mula sa Aritao Nueva Vizcaya na magsusuot ng dilaw na jersey sa unang pagkakataon sapul nang lumahok ito sa Tour noong 1998. "Humabol lang ako sa lead pack, naiwan si Domingo. Nung nalaman naming isang minuto na ang lamang namin, nag-organize na kami kasi marami din sa grupo na gustong umangat ang oras kaya nagpalitan kami ng trangko para mas tumulin kami," kuwento ni Tanguilig, ang naging Best Young Riders sa huling edisyon noong 1998.

Mula sa 9-man lead-pack, nagawang kumawala ni Primero sa huling 30-kilometro para mag-isang tawirin ang finish line at tapusin ang karerang may mahabang ahunin sa Sta. Praxedes, Cagayan at Bangui, Ilocos Norte at namaybay sa magandang tanawin ng South China Sea sa parting Pagudpod ngunit hindi nasiyahan ang mga siklista dahil pahirap sa kanila ang malakas na hangin.

"Sa last 13-km na ako kumawala. Tinesting ko lang tapos wala nang sumunod kaya tinuluy-tuloy ko na, wika ng 27-gulang na si Primero, tubong Guimba, Nueva Ecija, na nagtala ng tiyempong anim na oras, 7 minuto at 45 segundo para sa ikalawang P10,000 stage prize matapos manalo noong Stage 5 at sinegundahan ito ni Lloyd Reynante ng Postmen makalipas ang 26 segundo bilang runner-up ha-bang pumangatlo naman si Lito Atilano ng Mail & More na pumasok ng finish line makalipas ang 41 segundo.

Halos siyam na minuto ang layo ni Domingo na nagreklamo sa kanyang nananakit na tagiliran bunga ng kanyang pag-kakasemplang sa Stage 10 pa, kaya bumagsak ito sa ikatlong puwesto na may 4:10 minutong dis-tansiya kay Tanguilig na may total time na 50:36.41 na sinusundan naman ni Primero na umangat sa second place mula sa fourth at may 3:28 distansiya na lamang sa yellow jersey.

Lalong nabuhay ang isyu ukol sa mga trade team, isang koponan ng mga professional cyclists na lumalaban sa mga professional cycling events, na kinabibilangan nina Tanguilig, Reynante, Primero, Alfie Catalan, Merculio Ramos, Villamor Baluyot, Victor Espiritu at Ronald Gorrantes dahil lima sa kanila ay kasama sa lead pack.

Dahil dito, magsasa-gawa ng imbestigasyon ang Games And Amuse-ment Board ukol sa suspetsang game fixing dahil matagal nang maugong ang usapang nagtutulungan ang mga taga-trade team.

"Nalaspag talaga ako. Napuwersa ako ng husto. Lumabas na kasi ‘yung epekto ng pagkakasemplang ko e. Ngayon ko na nararamdaman. Masakit ang tagiliran ko," wika ng 35 gulang na si Domingo.

Nakakain naman ng halos pitong minuto ang Beer na Beer sa team competition para sa P1 million prize ng 17-stage race na ito na suportado ng Gatorade, Izuzu, Elixir bikeshop, Red Bull, Pharex, Summit, Lactovitale at Pharex, dahil 13:32 minuto na lamang ang kanilang distansiya sa nangunguna pa ring Postmen na may aggregate time na 151:43.14 habang ang Dole ay nanatili sa third place ngunit mas lumayo sa kanilang 25:11 minutong distansiya.

Sa King of the moun-tain race, nanatiling tabla sina Reynante at Primero na parehong naka-anim na puntos sa dalawang KOM stretches kahapon para sa kanilang kabuuang 25-puntos habang nasa third si Frederick Feliciano na may 16-puntos.(Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ALBERT PRIMERO

ALFIE CATALAN

ARITAO NUEVA VIZCAYA

BEST YOUNG RIDERS

CARMELA V

DOMINGO

ENRIQUE DOMINGO

FREDERICK FELICIANO

GAMES AND AMUSE

TANGUILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with