PBA Fiesta Conference: Red Bull ginulat ng Shell Velocity
April 25, 2004 | 12:00am
Bumawi ang Shell Velocity mula sa nakalipas nilang kabiguan sa pamamagitan ng 99-86 pagsorpresa sa Red Bull Barako kahapon sa PBA Grand Matador Fiesta Conference sa Makati Coliseum.
Ibinuhos ni Tony dela Cruz ang 14 sa kanyang 28 puntos sa huling yugto para pangunahan ang Turbo Chargers na mailista ang ika-5 panalo sa 12 laro. Ang Barakos ay bumagsak sa 6-5.
Bagamat nalimitahan lang sa 16 puntos ang import nitong si Jameel Watkins, hindi ito naging problema sa Shell dahil sa ito ay tinakpan ng magandang laro ng kanilang mga locals.
Bukod kay dela Cruz na nagtala rin ng 7 rebounds, 5 assists at 3 steals, ang Turbo Chargers ay nakakuha din ng signipikanteng kontribusyon mula kina Kalani Ferreira at Mike Hrabak na tumapos ng tig-12 puntos.
Samantala ang aksiyon ay magpapatuloy ngayon sa Araneta Coli-seum sa paghihiwalay ng landas ng nangungunang San Miguel Beer at ruma-ratsadang Sta. Lucia Realty.
Ang Beermen at Realtors ay magtutuos sa pambungad na sultada sa ganap na 4:10 ng hapon, na susundan ng pagtitipan ng Coca-Cola at Purefoods TJ Hotdogs sa tampok na laro sa alas--6:30 ng gabi. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended