^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Q'finals aasintahin ng Red Bull at Talk N Text

-
Sisikapin ng Red Bull Barako at Talk N Text na maisulong pa ang kanilang kampanya at mapalakas ang kanilang tsansa para sa awtomatikong quarterfinals slot sa magkahiwalay na pagsalang nila ngayon sa 2004 Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference sa Makati Coliseum.

Haharapin ng Barakos ang Shell Velocity sa unang sultada sa ika-4 ng hapon habang titipanin naman ng Phone Pals ang FedEx sa tampok na laro sa alas-6:10 ng gabi.

Tangan ang 6-4 at 6-5 rekord, ang Red Bull at Talk N Text ay kasalukuyang nasa ika-4 at ika-5 puwesto, ayon sa pagkakasunod, at sila ay kapwa nasa kontensyon para sa unang dalawang pwesto.

Ang top 2 teams mata-pos ang double round-robin eliminations na ito ay awtomatikong uusad sa quarterfinal phase samantalang ang maiiwang walo ay dadaan pa sa playoffs para madetermina ang iba pang quartefinalist.

Sa kasalukuyan ang San Miguel Beer ang siyang nakaluklok sa unahan ng liderato hawak ang 10-1 karta habang ang ikalawang posisyon ay pinagsasaluhan ng Coca-Cola at Alaska, na may 7-4 marka o kalaha-ting larong agwat sa Red Bull at isang buong larong abante sa Talk N Text.

Sa kanilang pinakahuling pagpalaot noong Linggo, ang Barakos ay nagposte ng 106-104 paglusot sa Phone Pals para sa kanilang ikala-wang sunod na panalo. Sila ay pinangunahan sa naturang laban nina ni Davonn Harp, Mick Pennisi, Enrico Villanueva at ng nagbabalik na si Jimwell Torion, na siya rin nilang sasandigan sa labang ito habang inaa-sahan ding magpapakita na ng magandang laro ang import nitong si Corey Hightower. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

BARAKOS

COREY HIGHTOWER

DAVONN HARP

ENRICO VILLANUEVA

JIMWELL TORION

MAKATI COLISEUM

MICK PENNISI

PHONE PALS

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with