^

PSN Palaro

Pinoy IM nagtala ng upset

-
DUBAI--Umiskor ang giant killer Filipino International Master na si Nelson Mariano II ng malaking upset sa third round upang igupo si GM Ashot Anastasian ng Armenia upang manatili na may perpektong iskor at makisalo sa liderato sa tatlong GMs sa Dubai Open Chess Championship sa Dubai, United Arab Emirates.

Isinulong ang kanyang King’s Indian Defense, naharang ni Mariano ang pawn storm ni Anastasian, dating World Championship Candidate. Sinikap ni Anastasian na mas mataas ang rating na 2587 kumpara kay Mariano na 2416 na ma-break ang Pinoy nang kanyang ibigay ang Rook para sa Bishop ni Mariano, ngunit umatake si Mariano sa Queen-side at nagdala sa kanya na maipanalo ang endga-me nang si Anastasia ay mag-resigned sa 59th move.

Nakatabla ni Mariano sina super GM Liviu Dieter Nisepeanu (2692) ng Romania, Shkariyar Ma-medyarov (2657) ng Azerbaijan at Tamaz Gelashvili (2542) ng Georgia.

Napigilan naman ng Filipino IM na si Barlo Na-dera si GM Surya Na-nguly ng India sa draw matapos ang 34 sulungan ng English opening ni Nadera upang makisalo rin sa ikalawang puwesto sa kanilang natipong 2.5 puntos sa 22 manlalaro na pawang naglista rin ng tig-2.5 puntos.

Nakabalik naman sa kontensiyon si GM Bong Villamayor nang kanyang talunin ang FIDE Master na si A.R. Saleh Jasim ng United Arab Emirates sa 28 moves ng Reti opening ng Pinoy upang maka-tabla rin ang iba pang 28 players na pawang nagsipagposte ng tig-2 puntos.

Sa kababaihan, muling nakalasap ng pagkatalo si Cristine Rose Mariano sa kalabang si IM Chakravarth Deepan ng India.

ANASTASIAN

ASHOT ANASTASIAN

BARLO NA

BONG VILLAMAYOR

CHAKRAVARTH DEEPAN

CRISTINE ROSE MARIANO

DUBAI OPEN CHESS CHAMPIONSHIP

FILIPINO INTERNATIONAL MASTER

MARIANO

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with