PBL Unity Cup: Sunkist 'di umubra sa Viva Water
April 23, 2004 | 12:00am
Nagpaulan ng sampung 3-points ang Sunkist-UST subalit hindi pa rin ito naging sapat para mapigil ang pagragasa ng Viva Mineral Water-FEU.
Nagrehistro si Arwind Santos ng double-double na 18-puntos at 13 rebounds at bumangon ang Water Force sa masamang pasimula upang maiposte ang 88-81 tagumpay sa PBL Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.
Nag-ambag si Gerard Jones ng 12 puntos habang ang backcourt duo nina Denok Miranda at Warren Ybañez ay may tig-11 puntos para sa Viva na naisalpak ang ikatlong sunod na panalo at ika-5 sa 6 na pagsalang.
Ang Sunkist ay bu-magsak sa 3-3.
Bunga ng matamlay na umpisa, ang Water Force ay nabaon ng hanggang 15 puntos at nagtungo sa intermisyon dala ang 38-51 deficit. Ang Tigers ay umiskor ng conference-high na 29 puntos sa second period, tampok ang 7 triple
Subalit sa pagpasok ng ikatlong kanto, isang 12-0 run ang pinalarga ng Viva upang makabalik sa laro, at pagsapit ng kalahatian ng huling yugto ay abante na ito ng 8, 79-71. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended