^

PSN Palaro

Hangganan Na Ba Natin?

Game Na ! - Bill Velasco -
Nagkampeon ang Pilipinas sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Junior Men’s tournament. Yehey. Tinambakan natin ang Singapore, at sasamahan natin silang maging kinatawan ng SEA sa ABC Junior Men’s Championship sa India sa Hulyo.

Malaking bawi ito para sa BAP at kay coach Johnny Tam. Noong 2002, ubod ng lakas ang ating team, at handang handa sila. Disyembre pa lang ng 2001, naghahanda na ang mga bata para sa torneo sa Hunyo. Isipin ninyo, araw-araw silang nag-eensayo sa koponan, dahil may pasok pa sila. Kalahati ng team ay tumitindig ng 6’5. Sagad sila sa tune-up.

Sa huling sandali, nilipat ng mga organizer sa Malaysia sa Hulyo ang torneo. Malaking disgrasya. Halos lahat ng mga malalaki natin ay rookie sa NCAA, at binawi na ng kanilang mga paaralan. Nasayang lahat ng paghahanda. Wasak ang team. Ang kinalabasan, pangalawa sa kulelat, Singapore lang ang tinalo. Kabalintunaan na tayong dalawa ang nasa ibabaw ngayon, di ba?

Mukhang labis-labis ang lakas natin para sa Southeast Asia. Pero ano ang kailangan natin para umangat sa susunod na antas? Kailangan natin ng mga player na walang ibang nagmamay-ari. Walang paaralan, agent, manager, coach, kaibigan, adviser, syota o magulang na makikialam. Kung ano ang sabihin ng coach, iyon ang susundin. Walang patatalo sa posisyon o playing time. At kailangan dalawa hanggang limang taon ang paninilbihan, para lalong malakas.

Ang pinakamakaking hamon ay dalawa’t magkakambal. Makakahanap pa ba ng mga tulad ng Burlington, Cebuana Lhuillier at Air 21 na aalalay at gagabay sa simula pa lamang? At paano pag-iisahin ang lahat ng gustong tumulong, pero magkakaiba ang interes: BAP, PBA, PBL, UAAP, NCAA, mga isponsor? Malalaking balakid sa pangmatagalang solusyon.

Kung di matutugunan ito, makuntento na tayo bilang hari ng maliit na bakuran ng Timog-Silangang Asya.

CEBUANA LHUILLIER

HULYO

JOHNNY TAM

JUNIOR MEN

MALAKING

SOUTHEAST ASIA

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION

TIMOG-SILANGANG ASYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with