^

PSN Palaro

Tour Pilipinas 2004: Yellow jersey isinuot ni Domingo

-
DAGUPAN City -- Sa karerang nagtapos sa balwarte ng mga Panga-sinan riders, nagtala ng 1-2-3 finish ang mga Novo Ecijanos ngunit binigyan ng STAR carrier na si Enrique Domingo, ang Postmen team captain na tubong San Carlos, ng dahilan ang mga Pangasinense para magmalaki nang maagaw nito ang overall leadership pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na Olongapo-to-Dagupan Stage 7 ng 2004 Air21 Tour Pilipinas na nagtapos sa Rizal Avenue sa bayang ito.

Sinilat ng magkakaibigan at magkababayang sina Oscar Fronda ng Mail & More at Joel Calderon ng Beer Na Beer, parehong tubong Guimba, Nueva Ecija at rookie Michael Ramos ng Dole na produkto ng bayang Llanera, ang mga Pangasinense nang kanilang pamunuan ang 5-man lead pack sa huling 800-metro papasok ng finish line para sa 1-2-3 finish ayon sa pagkakasunod at tapusin ang 247.6 kilo-metrong karera sa loob ng limang oras, 51-minuto at 37-segundo.

"Nakautang ako ng P20,000 na pinambili ko ng spareparts para sa karerang ito kaya pinilit kong kunin ang stage na ito para makabawi man lang sa gastos," wika ng 31-gulang na si Fronda, mula sa pamilya ng nagsasaka ng palay, na siyang humikayat kina Calderon at Ramos sa pagbibisikleta. "Kasakasa-ma ko sila noon sa pag-een-sayo ko. Nagkataon lang na magkakasama kami sa unahan kaya tumira na kami."

Tumawid naman ng finish line si Domingo makaraan ang 1:14 minuto na sinundan ng kanyang nakatabla sa second overall individual pagkatapos ng kanyang pinangunahang Stage 6, na si Eusebio Quinones ng Purefoods para agawin ang yellow jersey na tatlong araw na hinawakan ni Patrol 117 assistant team captain Frederick Feliciano na bumagsak sa ikawalong puwesto.

"Hindi ko akalain na makukuha ko ang yellow jersey. Inaasam ko lang talaga ‘yung sprint kaya lagi akong sumasama sa break-away," sabi ng 35-gulang na si Domingo na nag-aasam ng ikaapat na Sprint King title na kanyang naisubi noong nakaraang taon at noong 1997 at 1998. "Ayoko pa kasing kunin dahil maaga pa. Mahihirapan ako gaya ng nangyari kay Feliciano. Pero okay lang."

Bukod sa hawak na ni Domingo ang dilaw na jersey na kanyang isusuot sa patag na 144.4-kilometrong Dagupan-to-Cabanatuan, Nueva Ecija Stage 8, lumaki rin ang kanyang kalamangan sa Sprint King competition nang kanyang kunin ang 9-puntos sa tatlong Sprint stretches kahapon para sa kabuuang 27-puntos na sinusuandan ni Villamor Baluyot ng Samsung na walang nakuhang puntos kaya nanatiling may 14-puntos lamang.

Matapos kumarga ang mga bonus time ni Domingo na naghari sa Quezon City-to-Olongapo stage kamakalawa kung saan kinuha rin nito ang dalawang sprint points, hawak nito ang 12 segundong kalamangan kay Quinones sa kanyang total time na 30:01.33 at 5:12 minutong bentahe sa third placer nang si Ronald Gorantes ng Metro Drug na umahon mula sa 8th place.

Bagamat nanguna sa stage ang Vat Riders, nanatili pa rin ang Postmen na lider sa labanan para sa P1 milyong team prize sa kani-lang aggregate time na 90:06.25 na may 23:42-minutong kalamangan sa pumapangalawa na ngayong Beer na Beer at 24:03 minuto sa third placer na Dole.

Matapos mapag-iwanan sa mga naunang stages ng karerang ito na suportado ng Gatorade, Summit, Red Bull, Isuzu, Lactovitale at Pharex, unti-unti nang nakakabawi si defending champion Arnel Quirimit ng Tanduay na siyang ikapitong siklistang tumawid ng finish line kahapon ngunit umangat lamang ito sa 38th place mula sa 44th.

Sa Summit King Of The Mountain, kumuha naman ng anim na puntos sa dalawang KOM stretches si Lloyd Reynante ng Postmen para makatabla kay Albert Primero ng Dole sa pamu-muno sa kanilang parehong tig-17 puntos habang ang dating KOM lider at no. 1 overall idividual na si Feliciano ay di naman nakakalayo sa kanyang 16-puntos.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALBERT PRIMERO

ARNEL QUIRIMIT

BEER NA BEER

CARMELA V

DAGUPAN STAGE

DOMINGO

KANYANG

PARA

SPRINT KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with