^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: 10th win target ng SMBeer

-
Puntirya ng San Miguel Beer na tunggain ang ika-10th win at isiguro ang puwesto sa susunod na round ng Gran Matador-PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum.

Tangan ang matikas na 9-1 rekord, nakatakdang makipagharap ang Beermen sa Shell Velocity sa tampok na laro sa ganap na alas-7:10 ng gabi.

Bago ito, target naman ng Sta. Lucia Realty na maikonekta ang kanilang ikatlong sunod na panalo at makabalik sa kontensiyon sa kanilang pakikipagtipan sa Purefoods TJ Hotdogs sa ganap na alas 4:45 ng hapon.

Tiyak na may pantapat na ngayon ang Shell kay Art Long nang magpaki-tang gilas ang kanilang bagong import na si Jameel Watkins sa kanyang debut game noong Miyerkules kontra sa Talk N Text.

Si Watkins ay kumana ng 29 puntos, 23 rebounds, 7 blocks at 5 assists para igiya ang Turbo Chargers sa 91-89 panalo sa Phone Pals. Ito ang kanilang ikatlong panalo sa huling 4 na laro at ika-2 sa tatlong unang laro ng bagong coach na si Leo Austria.

Samantala, magbabalik aksiyon na si Kenneth Duremdes sa pag-haharap ng Realtors at Hotdogs. Bukod kay Duremdes magbabalik aksiyon din si Chris Tan. Inilagay naman ng Realtors si Paeng Santos sa injured list habang pinakawalan na nila si Noli Locsin na ang kontrata ay mapapaso pa sa katapusan ng taong ito. (Ulat ni DMVillena)

ARANETA COLISEUM

ART LONG

CHRIS TAN

FIESTA CUP

GRAN MATADOR

JAMEEL WATKINS

KENNETH DUREMDES

LEO AUSTRIA

LUCIA REALTY

NOLI LOCSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with