Ito ang inihayag ni Tan-duay coach Florante Solomon kahapon sa patuloy na pagbagsak ng Rhum Riders sa P1 million team race, mahigit 40 minutes sa namumunong Postmen matapos ang anim na lap ng summer classic.
"Iba ang training nila at lumalabas na iyon dito sa Tour na ito," ani Solomon, na ang kampanya para sa karangalan ng team ay lumasap ng kamalasan may tatlong laps pa lang ang nakakarasan matapos din kapitan ng trangkaso si team captain Arnel Quirimit at tinanggap ang kabiguan.
Si Quirimit ang pambato ng Tanduay at defending champion sa karera. Ngunit halos hindi maka-pedal ang tubong-Pozzorubio, Pangasinan sa bundok ng Quezon noong Sabado at kinakapos sa pagdating ng finish line.
Yung nangyari kay Quirimit kamalasan na sa amin," ani Solomon. "Ku-lang na kami sa experience, nagkaganoon pa."